Isang Lola Pinahanga Ang Lahat Sa Kanyang Kakaibang Gymnast Routine

Posted by

Isang kilalang sport ang gymnastic, maliban sa ito’y magandang panoorin, mainam rin itong oang ehersisyo. Tumutulong ito sa iyong mga buto at kalamnan. Nagbibigay ito ng lakas at ginagawa nitong matibay ang ating mga buto.

Si Johanna Quaas ay isang 92 years old na gymnast, kilala rin siya bilang isa sa mga pinakamatandang gymnast sa buong mundo. Kahit may katandaan na si Johanna ay napapamangha pa rin niya ang mga manonood. Kayang kaya pa rin ni Johanna ang maglahad ng kanyang mga gymnast routine.

Kung iyong titignan ay parang matanda na nga si Johanna, maputi na ang kaniyang buhok, malabo na ang kanyang mata at kulubot na ang kanyang balat ngunit lumalabas ang pagiging propesyonal na gymnast niya, kaya mas kinilala siya bilang elite athlete sa mundo ng gymnastics.

Nakilahok rin si Johanna sa Internation Gymnastics Festival sa Berlin noong June 2017.

Halos kalahati lamang ng kaniyang edad ang ibang mga athleta hirap pa din silang gawin ang kanilang mga tricks, habang si Johanna nama’y nagpakita ng kanyang lakas at kamangha-manghang talento. Makikita rin ang resulta ng kanyang paghihirap sa pag-eensayo ng ilang taon.

Palaging natatapos ni Johanna ng kaaya-aya ang kanyang mga stunts kaya’t halos nangunguna siya sa mga paligsahan.

Sa event na ito, umabot lamang siya g fourth runner-up ngunit kinokonsidera pa rin itong isa sa mga pinakamagaling na pagganap sapagkat siya ay may edad na.

Pinapanood siya ng mga tao na para bang isa rin siyang teenager na mayroong malalambot na mga buto.

Tinanghal si Johanna na pinakamatandang gymnast sa taong 86 noong 2012 ng Guiness Book of World Records.

Matapos maibigay kay Johanna ang Certificate ay pinagpatuloy pa rin niya ang pagkamit sa kaniyang pangarap. Ipinangako niya rin na hindi siya titigil sa gymnastics and gaganap siya hanggang sa kanyang huling hininga.

Talagang nag viral ang kwentong ito ni Johanna Quass dahil ang kanyang kakayahan ay tunay na nakakamangha at kakaiba.