Imbes Na Putulin Ang Mga Puno Na Sagabal Sa Pagpapatayo Ng Mall, Ganito Ang Ginagawa Ng Mga Taga-Singapore

Posted by

Gustuhin man natin o hindi, ang katunayang ang ating mundo ay unti-unti ng nagbabago ay atin nang makikita. Ang mga puno sa ating paligid ay malapit na ring maubos pero hindi pa rin alam ng halos lahat sa atin na tayo mismo ang gumagawa ng ganitong pagbabago sa kapaligiran.

Kung mayroon siguro tayong dapat malaman ito ay na nasa ating mga kamay ang solusyon sa ating problema. Nasa sa ating indibidwal na pagsisikap kung paano natin matutugunan ang ganitong suliranin upang makatulong tayo sa ating Inang Kalikasan.

Habang ang problema sa basura ay kaya nating solosyunan sa pamamagitan ng disiplina at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa paghihiwalay ng mga basura, ang illegal logging naman o minsan ay walang pakundangang pamumutol ng puno ang isa rin dapat sa pagtuunan natin ng pansin.

Sa bansang Singapore, kamang-mangha ang naisipang solusyon ng kanilang gobyerno. Sa pagkakaroon ng kagustuhang mapanatiling maganda at maayos ang ating kapaligiran kahit unti-unti ng nagiging moderno ang ating mundo, isang napakagandang ideya ang kanilang ginawa.

Inupload ng isang Facebook User na si Alex Leow ang isang video kung saan ating makikita na mayroong construction sa kabilang bahagi ng daan. Ngunit habang nagtatrabaho sila ay mayroong puno na nakatayo mismo doon sa lugar na kanilang pinagtatrabahu-an.

Sa halip na putulin ang puno (na isang mas madali at mabilis na solution), napa-isipan ng mga nagtatrabaho na ilipat na lamang ang puno sa kabilang bahagi ng daan.

Hinukay muna nila ang lugar sa paligid ng puno hanggang sa kaunting lupa na lamang ang nakatabon dito. Inilipat nila ang puno sa pamamagitan ng isang malaking sasakyan.

Napakagandang tignan ang buong pangyayari. Totoo nga na kapag ang isang tao ay tunay na nagmamahal sa kapaligiran, gagawin nito ang lahat para mapanatiling malinis at maaliwalas ang paligid dahil sa huli ay hindi lang naman sila ang makikinabang sa ating pag-aalaga kundi tayo rin at mas lalo na ang ating mga anak at pamilya sa susunod na henerasyon.

SOURCE : TRENDSZILLA