5 Benepisyo Na Makukuha Sa PhilHealth Na Di Alam Ng Karamihan Ng Mga Pinoy

Posted by

Kadalasang dumarating sa atin ang mga suliranin sa mga panahong hindi tayo handa. Lalo na kapag tayo ay nagkakasakit, napakalaking sakit sa ulo kapag wala tayong perang nakahanda upang ipang gastos. Kaya mahalaga na habang maaga pa ay mayroon na tayong kontribusyon, hindi lamang sa ating SSS at PAG-IBIG, kundi sa atin ring PHILHEALTH.

Ito ang isa sa mga pinaka una nating tinatakbuhan kapag kailangan natin ng financial assistance kapag tayo ay nagkakasakit o naakasidente. Isa rin ito sa mga tumutulong sa ating mga bayarin sa ospital at sa mga doktor na malaki ang nai-aambag upang tayo’y makatipid.

Ngunit may mas marami pang benepisyo ang PHILHEALTH sa atin maliban sa mga naka sanayan na nating “inpatient benefits.” Magagamit rin natin ito minsan upang mabawasan ang ating gastusin kapag tayo ay “outpatient” at pati na rin sa ating mga “critical illnesses”.

Kaya bago mo bayaran ang napakalaking bill mo sa ospital ay alamin muna kung ikaw ba qualified sa mga Philhealth benefits na nakalaan para sa Philhealth members at dependents.

1. OUTPATIENT BENEFITS

Maari mong gamitin ang iyong Philhealth Benefits kahit ikaw ay hindi mai-aadmit sa ospital. Pwede ang benepisyong ito kahit sa mga outpatient services.

Isa sa mga serbisyong covered ng benepisyong ito ay mga ambulatory or day surgeries, na kadalasan ay mga non-emergency procedures kung saan maaring makauwi ang isang pasyente pagkatapos.

Available ito sa mga surgical clinics na accredited ng PHILHEALTH. Maliban sa mga ganitong serbisyo maari rin itong gamitin sa mga radiation therapy, hemodialysis session, and blood transfusions na hindi nagrerequire ng hospitalization.

2. TSeKaP

Ang ibig sabihin ng TSeKaP ay Tamang Serbisyo para sa Kalusugan ng Pamilya kung saan kalakip nito ang mga primary care benefits package na nakalaan sa para sa mga indigent at sponsored members na inorganisa ng kani-kanilang grupo, mga migrant workers at kasama na rin ang kanilang mga legal na dependents.

Kino-cover ng pacakage ang serbisyong gaya ng mga consultations, regular blood pressure measurements, counseling, periodic breast exams, at digital rectal exams. Maari rin itong gamitin sa mga diagnostic examinations tulad ng complete blood count, chest xray at urinalysis.

Magagamit rin ang TSeKaP para sa mga gastusin sa gamot sa mga sakit gaya ng asthma, acute gastroenteritis, upper respiratory tract infection at urinary tract infection.

3. MOTHER AND CHILD BENEFITS

Kapag ikaw ay buntis malaking benepisyo rin ang maari mong makuha sa Philhealth Maternity Benefits, kaya nitong bayaran ang iyong bayarin sa panganganak at prenatal care.

Pwede kang maka-avail nito kahit ikaw ay nanganak sa isang birthing home, midwife clinic at lying-in clinic. Kung ikaw naman ang ay manganganak sa isang accredited hospital, maari kang maka avail ng Philhealth’s Normal Spotaneous Delivery Package o ang Caesarean Section Benefit.

Ang halaga ng benepisyo ay naka depende sa uri ng panganganak o uri ng healthcare facility kung saan nanganak ngunit kadalasan sa mga sinasaklaw nito ay ang mga medical facility fees, professional fees at prenatal care.

Kahit ang iyong anak ay mayroong karapatan sa Newborn Care Package, kung saan kabilang dito ang mga physical examination, eye prophylaxis, Vitamin K administration, BCG Vaccination, kasama rin dito ang first dose ng Hepatitis B vaccine at newborn screening test.

4. Z BENEFITS

Ang Z Benefits Package ay para sa mga mayroong sakit na nauuri sa Type Z diseases. Nagbibigay ito ng tulong sa mga Philhealth members na mayroong malulubhang sakit.

Z Benefits / Master Citizen
Z Benefits / Master Citizen

Mga sakit na maaring makasama sa Z Benefits:

  • Acute Lymphocytic Lymphoblastic Leukemia (Standard Risk)
  • Breast Cancer (Early Stage)
  • Prostate Cancer (Low to Intermediate Risk)
  • Kidney Transplant (Low Risk)
  • Coronary Artery Bypass Graft Surgery (Standard Risk)
  • Tetralogy of Fallot Surgery for children
  • Venticular Septal Defect Surgery for children
  • Cervical Cancer (early stage)
  • Selected Orthopedic Implants
  • Colon and Rectum Cancer
  • Prevention of Preterm Delivery

Maaring makakuha ng 100% coverage ang mga na-isponsorang members hangga’t kwalipikado sila lahat ng mga kinakailangan ng Philhealth.

5. MDG BENEFITS

Ikaw ay maaring makatanggap ng benepisyo mula sa Philhealth kung ikaw ay may dinaranas na sakit na kabilang sa mga Millennium Development Goals (MDG).

Ang mga sakit na kabilang rito ay Malaria, HIV-AIDS, Tuberculosis at Animal Bites. Maari ka ring makakuha ng mga voluntary surgical contraception procedures (vasectomy sa mga lalake at transection of fallopian tube sa mga babae) sa pamamagitan ng MDG Benefits.

Sources: Coins.ph Blog