Pinakamalaking Perlas Sa Buong Mundo, Swerteng Natagpuan ng Pinoy Na Mangingisda.

Isa sa mga kilalang tawag sa Pilipinas ang “Pearl of the Orient Sea” nagsimula ito noong panahon ng mga Espanyol. Ang titulong ito ay ibinigay ng isang Spanish Jesuit missionary na si Fr. Juan J. Delgado noong 1751. Siya ay isa sa mga misyonaryong nka diskubre sa Pilipinas.

Hanggang ngayon ang Pilipinas ay nananatiling buo sa kanyang katawagan dahil isa sa mga pinakamalaking perlas sa mundo ang naitala at tinatawag na “Pearl of Lao Tzu” o “Pearl of Allah”.

Ngunit ang naitalang titulo ay nanganganib mapasa sa iba sapagkat isang mangingisda ang muli na namang nakita sa Palawan, na may bigat na 75 pounds na nagkakahalaga ng, humigit kumulang 76,000,000 euro o halos apat na bilyong piso (4 billion pesos).

Ayon sa Wereblog, na diskubre ng mangingisda ang perlas sa isa sa mga malawak na dagat sa Palawan sampung taon na ang nagdaan. Kahit ang mangingisda’y wala pang ideya sa halaga ng perlas na may bigat na tatlumpu’t apat na kilo, kanya itong itinago sa paniwalang ito ang magdadala sa kanya ng swerte or nais niyang tawaging “lucky charm”.

Giant Pearl / The National
P/C: The National

Sa hindi inaasahang pagkakataon, napilitan ang mangingisda na ipatago sa kanyang tiyahin ang perlas matapos masunog ang bahay na kaniyang tinitirhan. Ang kanyang tiyahin na si Aileen Cynthia Amurao, na isang tourism officer ay namangha sa perlas na kanyang iniwan kaya kanya agad itong ipinatingin sa mga eskperto.

Giant Pearl / The National
P/C: The National

Ikinwento ni Aileen ang tungkol sa paraan ng pagkakuha ng mangingisda sa perlas. Inilahad rin niya na labis ang kanyang pagkamangha noong unang beses na dinala ng mangingisda ang perlas. Noon din ay humingi siya ng tulong sa mga gemologists upang mapatunayan kng  tunay ba ang perlas na pagmamay-ari ng mangingisda.

Ang perlas na nakita ng mangingisda ay may habang 26 inches, may lawak na 12 inches at may bigat na 34kg at may halaga na umaabot sa halos $100 million. Ang naitalang pinakamalaking pearl sa buong mundo ay may bigat lamang na 6.4kg at nagkakahalaga ng $35 million.

Giant Pearl / South China Morning Post
P/C: South China Morning Post

Ang perlas ay naka-display ngayon sa Puerto Princesa City Hall and naging isa na rin sa mga atraksyon na dinadagsa ng mga turista.

Tunay nga na ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang likas na yaman at pag napatunayang ang perlas ay tunay, kikilalanin ito bilang isa sa mga pinakamalaking natural na perlas sa buong mundo.

Source : South China Morning Post

Author: Lai

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *