Isang Magandang Canadian Lumipad Papuntang Pilipinas Para Magpakasal Sa Online BF Na Di Pa Niya Nakikita Ni Minsan

Iba nga talaga ang nagagawa natin sa ngalan ng pag-ibig. Halos lahat na yata ay kaya nating gawin para lamang patunayan na mahal ninyo ang isa’t isa. Kahit gaano man kalayo at kahirap ang kanilang kalagayan ay kayang lampasan ng sino mang taong umiibig.

Photo Credits: Definitely Filipino
Photo Credits: Definitely Filipino

Sa panahon natin ngayon ay uso ang mga “long distance relationship”. Dala ng mga trabaho at iba pang sitwasyon ay hindi natin maiiwasan na magsakripisyo para lamang masalba ang mga relasyong ating pinaka-iniingitan. Kahit kadalasan ay pagod na tayo dahil tunay na napakahirap ng ganitong set-up ay hindi natin kayang bitawan ang mga taong mahal natin lalo na kapag naiisip natin na isang araw ay magkikita rin kayong dalawa.

Photo Credits: Definitely Filipino
Photo Credits: Definitely Filipino

Katulad ng kwentong ito ng isang babae mula sa Canada na naglakbay ng halos walong libong milya para lamang makita ang kanyang Pinoy boyfriend, sobrang mangha ng lahat ng mga taong nakakaalam dahil kahit na sa social media lamang nagkakilala ang dalawa, pinatunayan nilang walang malayong distansya sa dalawang taong nagmamahalan.

Photo Credits: Definitely Filipino
Photo Credits: Definitely Filipino

Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong taong 2009 sa pamamagitan ng facebook. Sa kabila ng distansya, ang simpleng pagkakaibigan ay nabuo sa isang masayang pagmamahalan. Ngunit hindi natin maikakaila na napakahirap talaga ng isang long distance relationship pero dahil sa makabagong teknolohiya ay para naring magkalapit ang dalawang taong malayo sa isa’t isa.

Photo Credits: Definitely Filipino
Photo Credits: Definitely Filipino

At totoo ngang, napatunayan ng dalawa na matibay ang kanilang relasyon dahil nagtagal sila ng ilang taon, at hindi lamang iyon, binisita nga ng babae ang kanyang boyfriend dito sa Pilipinas na parang bang isang pangarap na tuluyan ng natupad.

Photo Credits: Definitely Filipino
Photo Credits: Definitely Filipino

Nagkita ang dalawa sa General Santos City International Airport ngunit pagkatapos ng kasiyahan ay darating na naman ang kalungkutan dahil kailangan na ng babae bumalik sa Canada. Kahit muling nagkalayo ang dalawa naging mas matibay pa rin ang kanilang relasyon. Bumalik ang Canadian pagkatapos ng isang taon at nagkita silang muli sa Ninoy Aquino International Airport at lumipad ng sabay papuntang General Santos City.

Photo Credits: Definitely Filipino
Photo Credits: Definitely Filipino

Ngunit hindi naging pangkaraniwan ang pag bisita niyang ito dahil nagpasya ang dalawa na magpakasal at tuluyan ng magsama.

SOURCE : BUZZ DEFINITELY FILIPINO

Author: Lai

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *