10 Young Pinoy Celebrities Na Di Alam Ng Iba Na Nagmamay-Ari Ng Malalaking Negosyo

Posted by

Ang pagiging parte ng Entertainment Industry ay parang rollcoaster, hindi nasa lahat ng oras ay nasa tuktok ka, may mga panahong minsan ikaw ay nasa ilalim din.

Kaya kahit ang mga sikat na artistang ito ay naghahanda rin para sa kanilang kinabukasan dahil kadalasan bigla na lamang dumadating sa kanila ang mga hamon na sumusubok sa kanila.

Maliban sa pag-aartista, pag nenegosyo ang kadalasang pinagtutuunan ng pansin ng mga sikat na taong ito.

Nash Aguas

Nagsimula si Nash bilang isa sa mga contestant sa Batang F4 contest sa programang MTB (noontime variety show). Sumali rin siya Star Circle Quest Kids, kung saan tinanghal siyang “Grand Kid Questor”.

Matapos ang labing apat na taon (14 years),nagbukas si Nash ng isang Japanese Restaurant na ang pangalan ay Muramen kahit namamayagpag pa rin si Nash sa kanyang showbiz career.

Paul Salas

Isa naman si Paul Salas sa labing-apat (14) na finalist ng reality show na “Starstruck Kids” ngayon ay isa na siyang kapamilya actor at model.

Nagtayo naman si Paul ng isang travek agency/cafe na ang pangalan ay Travel Bean Coffee na matatagpuan sa QUezon City. Isang branch din ang kamakailan lang ang binuksan niya sa Taguig.

Kathryn Bernardo

Kilala sa galing niya sa pag arte si Kathryn kaya’t patuloy na namamayagpag ang kaniyang tambalan kasama si Daniel Padilla, na tinatawag na KATHNIEL. Lahat halos ng kanilang mga proyekto at pelikula ay pumapatok ang sinusuportahan ng napakarami nilang mga fans.

Ngayon ay young CEO na si Kathryn sa kanyang business na Kathnails, todo suporta naman ang kaniyang ka love-team/boyfriend na si Daniel Padilla.

Julia Montes

Ang hindi maikakailang talento ni Julia ang siyang nagpakilala sa kaniya sa mundo ng show business. Pinapatunayan ito ng maraming awards na kanyang natanggap.

Labimpitong taong gulang (17 years old) si Julia ng una niyang buksan ang kaniyang salon na pinangalanan niyang “Julia Montes Salon”.

Maine Mendoza

Matapos makilala si Maine sa kanyang mga viral videos, napag-alaman ding siya ay galing sa isang mayamang pamilya at siya man din ay nakapagtapos ng kursong Culinary at nakapag OJT pa sa America.

Si Maine ay nag franchise ng isang branch ng Mcdonald’s na kanya rin namang ine-endorse kasama ang dati niyang ka love-team na si Alden Richards.

Alden Richards

Habang si Maine naman ay nagbukas ng isang fastfood chain, iba naman ang naging trip ni Alden.

Nagpatayo naman siya ng isang garden-themed restaurant sa Tagaytay kasama ang kaniyang business partner na si Gemma Sembrano na founder ng “Concha’s Garden Cafe.”

Martin Del Rosario

Ang aktor at modelo namang si Martin Del Rosario ay nagpasyang magtayo ng bar sa Quezon, na kilala sa pangalang “Bunker at the Armory”.

Siya ang nagha-handle ng marketing, promotions at operations ng bar. Minsan siya rin ay isa sa mga bartenders dito.

Valeen Montenegro

Isa naman si Valeen sa mga talents ng Star Magic kung saan una siyang nakilala sa comedy fantasy series na “Da Adventures of Pedro Penduko”.

Sa ngayong ay marami siyang proyekto sa GMA at may-ari ng “M Dance Studio” kasama ang kaniyang boyfriend na si Sefu Lozano, na kanyang business partner.

Shaina Magdayao

Nabigyan na ng titulong “Kapamilya Gold Queen” si Shaina Magdayao dahil sa kanyang matagumpay na pagganap sa mga teleseryeng naipapalabas tuwing Kapamilya Afternoon Gold.

Ngayon ay co-owner siya sa isang Educational Program na nagtuturo ng Science, Math at Engineering sa mga batang may edad apat (4) hanggang labing apat (14). Ito ay tinawag na Engineering for Kids, at ito rin ang unang franchise nila sa South East Asia.

Alyssa Gibbs

Ang anak naman ni Janno Gibbs at Bing Loyzaga ay isa sa mga founder ng online-based clothing shop na Neon Islandd na nagbebenta ng mga locally made clothing na mayroong hand-printed design.