Pinay, Tindera Lang Noon Ng Isda, Ngayon Ay Nagmamay-Ari Na Ng Isang Prestihiyosong Paaralan Sa England

Posted by

Dahil sa sobrang hirap na dinaranas natin sa Pilipinas, kadalasan sa atin ay mas pinipiling makigpagsapalaran sa ibang bansa. Malaking sakripisyo ang pinagdaraanan ng ating mga kababayan na nagtratrabaho sa mga malalayong lugar o mas kilala sa tawag na OFW (Overseas Filipino Workers) dahil halos hindi na sila umuuwi sa kani-kanilang mga pamilya para lamang may ipangtustos sa araw-araw nilang pamumuhay at lalo na sa pag-aaral ng kanilang mga anak.

Iba’t ibang kwento ang sinasalamin ng bawat isang OFW. Lahat ng iyon ay nasa iisang dahilan, at iyon ay ang makaahon sa kahirapan.

Kagaya na lamang ng isang Pilipina na lumaki sa Tukuran, Zamboanga. Si Nova Fossgard, ay isang OFW na anak ng isang mangingisda.

Bata pa lamang si Nova ay marami ng siyang alam tungkol sa pagtratrabaho. Nagbebenta siya ng isda sa palengke upang may ipangdagdag sa mga gastusin sa bahay at sa kanyang pag-aaral.

Marahil dito niya rin natutunan ang pagiging masikap at matiyaga na siyang naging gabay niya sa pag-abot ng kanyang nais patunguhan sa buhay.

Ikinwento niya na ang kanyang maliit na tinig ang isa sa mga boses na nakikipag-kumpetensya sa palengke. Inilahad niya rin ang isa sa mga pinaka-hindi niya malilimutang pangyayari sa kaniyang buhay.

“Nangawat ko isda sa auntie ko (I stole fish from my aunt). That’s a secret, but I will tell you. Because I was starving. I had this little girl, I gave it to her and passed it on to the market. This little girl gave me the money and I gave her commission.”

Nagpunta sa England si Nova at nagtrabaho bilang isang Domestic Helper kahit nakapagtapos siya ng kursong Accounting sa Southern Mindanao College noong 1991.

Doon na rin nakilala ni Nova ang kanyang napangasawa na nagmamay-ari ng isang maliit na negosyo sa Oxford.

Ngayon ay isa nang Director ng isang paaralan sa Purley. Ang Purley Language College ay mayroong halos tatlong libong (3,000) estudyante.

Ang kanyang mga natutunan ay nagbigay daan sa kanya upang makamit ang tagumpay.

Nag-iwan rin si Nova ng isang mensahe para sa mga taong nais abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay:

“Don’t be afraid. Follow your instinct. Gawin mo lahat ang gusto mo sa buhay. If you keep holding back with your fear, you think may mangyayari? You have to overcome (your fears). Takbo ka, don’t crawl. Always run.”