Hinahangaan Ngayon Ang ‘Pinakamahirap’ Na Presidente Sa Buong Mundo Na Hindi Tinatanggap Ang Sahod At Walang Bodyguards

Posted by

Isa sa mga pinakama-impluwensyang mga tao sa bansa ay ang ating mga lingkod bayan. Lalo na ang mga may mataas na katungkulan sa ating gobyerno, sila ang may lubos na kapangyarihan na minsa’y kanilang ginagamit upang mapabuti ang ating bayan ngunit kadalasan sa kanila ay umaabuso sa kanilang mga awtoridad at kumakamkam sila ng milyong-milyong pera mula sa kaban ng bayan.

Ngunit isang bansa sa South America ang nag-iba sa pangkalahatang pananaw sa ating mga lingkod bayan, sapagkat ang kanilang Presidente ay kinilala bilang pinaka-mahirap na Presidente sa mundo.

Limang taon naging Presidente ng Uruguay si Jose Mujica, mula sa taong 2010 hanggang 2015 hindi na lingin sa kaalaman ng lahat na halos 90% ng kanyang buwanang sahod na halos $12,000 (Php 620,000) ay kanyang ibinabahagi sa mga mahihirap na pamilya sa Uruguay at sa mga mayroong maliliit na negosyo.

Minsan na ring pinuna ang kanyang pustura at pananamit ngunit kibit balikat na lamang siya sapagkat mas higit ang kanyang pagpahalaga sa mga mas importanteng bagay sa kanyang buhay.

Nilabag rin ni Mujica ang isa sa mga tradisyon sa pamumuhay ng isang Presidente.

Hindi siya tumitira sa napakagandang “Presidential’s House” na inilaan para sa kanya at mas piniling niyang manirahan sa kanyang bahay sa kabukiran, kasama ang kanyang asawa at alagang aso, at iba pang mga hayop na kanyang kailangan habang ang kanya namang sasakyan ay isa lamang lumang 1987 Volkswagen Beetle kahit siya ay binigyan ng magandang sasakyan.

Wala rin siyang kasamang Security, tanging ang kanyang asong may tatlo ng paa lamang ang pumo-protekta sa kanya na ang pangalan ay Manuela.

Lumaki si Mujica sa isang simpleng pamumuhay, nag trabaho siya bilang isang magsasaka kaya’t bata pa lamang siya ay marami na siyang karanasan na nagbigay sa kanya ng magagandang aral na siyang tumulong sa kanya upang makapigbagay ng tulong sa mga mahihirap.

Ngunit kahit siya ay kinilala na “World’s Poorest President”, naniniwala si Mujica na hindi siya mahirap.

“I’m not the poorest president. The poorest is the one who needs a lot to live… My lifestyle is a consequence of my wounds. I’m the son of my history. There have been years when I would have been happy just to have a mattress,”ika ni Mujica.